MANILA, Philippines -Magbubukas nang muli ang klase sa Tacloban City sa Disyembre 2.
Ito ang inianunsiyo ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro matapos na makausap ang mga principal doon at nagkasundo ang mga ito na payagan nang makapasok sa paaralan ang mga mag-aaral sa Lunes.
Subalit, posible aniyang hindi pa kaagad na magklase ang mga bata at sa halip ay magsasagawa lamang ng roll call upang matukoy kung ilan at sinu-sino sa mga ito ang hindi makakabalik sa klase.
Gayunman, wala pa umanong tala ang DepEd ng mga bata dahil hindi pa nagsisimula ang klase.
Naniniwala rin naman si Luistro na malaki ang maitutulong ng pagbabalik-eskwela ng mga bata upang makalimutan nila ang naranasang hirap noong panahon ng bagyo at makabalik sila sa normal sa buhay.