^

Police Metro

Inatake sa puso nang mag-eyeball... biyudo nabighani sa ganda ng textmate

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines -Isang 55-anyos na biyudo ang nasawi nang ito ay atakihin sa puso matapos na makatagpo at nabighani sa ganda ng ka-textmate na dalaga na kanyang naka-eyeball kamakalawa sa Capitol Site, Ipil Height, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Ang nasawi ay kinila­lang si Reynaldo Ducosin, ng Brgy. Namnama sa kanugnog na bayan ng Titay, ng nasabing lalawigan.

Sa ulat na natanggap ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9, dakong alas-5:31 ng umaga ay nagkasundo ang biktima at ang ka-textmate na si Santanina Arola, 25, ng Brgy. Magdaup na mag-eyeball dahil sa matagal na rin silang nagpapalitan ng mga text messages.

Nagkasundo ang da­lawa na magkita sa isang lugar para sa kanilang unang date at dito ay nangako ang biktima na ipapasyal niya si Arola na halos anak na lamang.

Ilang oras na pag-hihintay ay nagkita ang dalawa at dito ay sobrang nabighani ang biktima sa ganda nang makita ng personal ang textmate na si Arola.

Agad pinaangkas ng biktima sa dala nitong motorsiklo si Arola para mamasyal.

Gayunman, ilang me­tro pa lamang ang nailalayo ng nasabing motorsiklo ay biglang nakaramdam ng paninikip ng dibdib at paghinga ang biktima kaya pinabagal nito ang takbo ng sasakyan na sumemplang sa tabi ng kalsada.

Nagtamo naman ng bahagyang galos ang da­lawa bunga ng insidente kung saan ay idineklara ng dead on arrival sa Provincial Hospital ang biktima at ayon sa tumi­ngin ritong mga doktor ay sanhi ng cardiac arrest o atake sa puso.

Itinurnover naman sa himpilan ng Ipil Police Station ang wallet at iba pang mahahalagang dokumento gayundin ang motorsiklo ng biktima para sa kaukulang disposisyon.

AROLA

BIKTIMA

BRGY

CAPITOL SITE

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

IPIL HEIGHT

IPIL POLICE STATION

POLICE REGIONAL OFFICE

PROVINCIAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with