Tatay patay sa birthday ng anak

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 40-anyos na lalaki matapos na barilin ng nakatalong inuman habang ipinagdiriwang ang kaarawan ng anak kahapon sa Parola Compound, Binondo, Maynila.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Reynaldo Salindao, helper, ng Gate 56 Area-H Parola Compound, Binondo.

Nilalapatan ng lunas ang natamaan ng ligaw na bala sa paa si Aloysios Domnil, 3, kapitbahay ni Salindao .

Ang suspek na tumakas ay nakilalang si alyas “Joel Waray” dala ang  ginamit na hinihinalang kalibre .9 mm pistol.

Batay sa ulat, dakong alas-12:00 ng tanghali habang nag-iinuman ang biktima at ilang kapitbahay dahil sa kaarawan ng anak ay dumating ang suspek at walang sabi-sabing nakipagdiskusyon.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang diskusyon ng biktima at suspek hanggang sa  bumunot ng baril ang huli at pinaputukan ang una na ang bala ay tumagos sa dibdib at tumama sa tabi ng bata. -Ludy Bermudo (trainees -Annadian Rivera,  Anna Katrina Quiamco, Kimberly Mata-

 

Show comments