Pulis binaril ng kapitbahay

MANILA, Philippines - Kritikal ang kalagayan ng isang pulis na miyembro ng Makati City Police Station dahil sa tinamong tama ng bala sa leeg at dibdib  nang barilin ng kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Parola Compound, Tondo, Maynila.

Ang biktima na inoobserbahan sa Intensive Care Unit (ICU) ng Mary Johnston Hospital ay kinilalang si PO2 Rory Jay  Fernandez, may-asawa, residente ng Gate 2 Parola Compound, Tondo, Maynila.

Itinuturo naman ang suspek na si alyas Roland na tumakas matapos ang pamamaril.

Sa ulat, dakong alas-6:20 ng gabi  ay  nakiki­pagkuwentuhan ang biktima sa ilang kapitbahay sa Gate 4 ng Parola Compound nang sumulpot ang suspek at pinagbabaril ang una.

Lumalabas sa imbes­tigasyon ng pulisya na posibleng niresbakan ang biktima dahil sa umano’y madalas magpaputok ng baril kung nalalasing. -Ludy Bermudo, (trai­nees) Annadian Rivera, Anna Katrina Quiamco, Kimberly Mata-

 

 

Show comments