MANILA, Philippines - Mamamahagi ang Technical Education and Skills Development AuthoÂrity (TESDA) ng mga “solar lights†na maaaÂring magamit sa gabi sa mga lugar na tinamaan ng bagyo habang hinihintay pang matupad ang paÂngako ng Department of Energy (DOE) na maibalik ang suplay ng kuryente bago mag-Pasko.
Target ng TESDA na inisyal na makagawa ng 1,300 units ng solar lights sa ilalim ng proyektong “Liter of Light†katuwang ang My Shelter Foundation at karamihan ay dadalhin sa Tacloban City.
Ginamitan ang solar light ng “solar powered LED†na may orihinal na disenyo gamit ang mga lokal na materials na maaaÂring mabuo at makumpuni.
Sa pamamagitan umano nito, matitipid ng mga residente ang kakarampot nilang natitirang pera na ipambibili sa gaas para sa gasera.
Inaasahan naman na makapagpapamahagi na ang TESDA ng mga solar light units sa Nobyembre 30 kasabay ng komemorasyon sa ika-150 anibersaryo ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio. Una na ring nagbigay ang US Embassy ng US$10,000 para pondohan ang proyekto kasama ang pondo buhat sa TESDA.