^

Police Metro

Paslit dedo sa gulpi ng 2 tiyahin

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dedo ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki habang sugatan ang nakatatanda nitong kapatid matapos silang gulpihin ng kanilang dalawang tiyahin sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Justine Fabellon, habang bugbog sarado rin ang pitong taon nitong kuya na  si Gaylord, kapwa nakatira sa Block 26, Lot 4, Zamboanga St.,  Mahar­lika Village sa lungsod.

Nakakulong naman sa Taguig City Police ang mga suspek na sina Kristine Fabellon, 25 at Irene Salazar, 48, kapwa residente ng naturang lugar.

Sa pahayag ni Gaylord kina PO2 Jenaline Sad-ang at PO2 Sarrah Villarama,  ng Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Taguig City  Police, naganap umano ang pagmamalupit at pambubugbog sa kanila ng kanilang dalawang tiyahin dakong alas-7:30 ng gabi.

Una’y pinagkukurot umano sila at hinampas ng plastic na takip ng drum bago sinapak, inuntog ang ulo sa semento, sinakal at inihagis sa dingding ng kanilang bahay kaya nakaranas ng pagsusuka at panghihina ng katawan ng dalawang bata.

Isinumbong naman sa mga tauhan Public Order and Safety Office (POSO) ng ilang concerned citizens sa lugar ang ginagawa ng mga suspek sa dalawang bata kaya ni-rescue nila ang mga ito at dinala sa hospital pero nalagutan ng hininga si Justine.

Inihahanda na ngayon ang kasong homicide at paglabag sa R.A. 7610 o Child Abuse law laban sa dalawang suspek.

 

CHILD ABUSE

GAYLORD

IRENE SALAZAR

JENALINE SAD

JUSTINE FABELLON

KRISTINE FABELLON

PROTECTION DESK

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE

SARRAH VILLARAMA

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with