Death toll sa Yolanda nasa 5,209 na
MANILA, Philippines - Pumalo na sa 5,209 ang naitalang nasawi sa panaÂnalasa ng bagyong Yolanda partikular na sa Eastern Visayas Region o mula sa lalawigan ng Leyte at Samar.
Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na 4,919 ang kabuuang nasawi sa Eastern Visayas at nilinaw na kabilang ang nasa 1,725 pang mga bangkay na narekober ng Task Force Cadaver dahilan kailangan pa itong sumailalim sa masusing proseso.
Kapag nagkataon sa Eastern Visayas pa lamang ay aabot na sa 6,634 ang naitalang nasawi at dito’y hindi pa kabilang ang unang naitalang namatay ng NDRRMC na may karagdagan pang 290 bangkay mula sa Region IV B, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Zamboanga Peninsula at CARAGA o kabuuang bilang na 6,924 na una nang naitala ng NDRRMC.
Naitala naman sa P12.65 bilyon ang pinsala ng bagyo sa imprastraktura at agrikultura sa mga naapektuhang lugar habang mahigit naman sa isang milyong kabahayan ang napinsala kabilang ang 5,363 nawasak at 549,133 na nagtamo ng pinsala sa kalamidad.
Sa kabila naman ng hindi pa rin nakakabangon sa delubyo ng bagyo ang mga sinalantang lugar sa Visayas Region, sinabi ni Roxas na tapos na ang pinakamahirap na sitwasyon ng ‘disaster relief operations’.
“Nagbubukas na ang mga bangko grocery at gasolinahan.Wala na pong looting.Wala nang mob. Wala nang report ng gulo, the worst is over sa disaster relief operations†giit pa nito.
- Latest