13 turistang Korean nalason sa pagkain
MANILA, Philippines - Labintatlong turisÂtang Korean national ang dinala sa ospital matapos na malason sa kinain nila sa hotel o restoran sa Pasay City kamakalawa ng gabi.
Sa ulat, dakong alas-8:45 ng gabi nang magkakasunod na magÂreklamo ng panaÂnakit ng tiyan, pagsusuka, at pagtatae ang siyam na lalaki at apat na babaeng Koreana na nanunuluyan sa Traders Hotel sa may Vito Cruz street, Pasay City.
Nabatid na dumating ang mga dayuhan noong nakaraang Martes mula sa Seoul, South Korea at Miyerkules ng gabi nang dalhin ng kanilang tourist guide na si Joung Sujing, 43, at tourist photographer na si Bernard Garcia sa Huey Ying Chinese Restaurant sa Seaside Macapagal Avenue at nagsikain ng mga sea foods matapos na magtungo sa isang golf course sa Cavite.
Huwebes ng umaga nang mag-almusal ang mga biktima sa tinutuluyang hotel at makaraan lamang ang ilang oras ay nagsimula ng tumindi ang pananakit ng kanilang tiyan na sinundan na ng pagtatae at pagsusuka.
Magsasagawa ng pagÂÂÂsusuri ang City Health Office sa Huey Ying Chinses Restaurant at maging sa TraÂders Hotel upang matiyak kung alin sa mga ito ang naghain ng pagkain na nakalason sa mga tuÂrista.
- Latest