MANILA, Philippines -Inaasahan ng Philippine National Police (PNP) ang zero crime rate kaugnay ng laban nina Pambansang Kamao Manny “Pacman†Pacquiao at Brandon “Bambam†Rios sa darating na linggo sa Macau, China.
Ito ang inihayag ni PNP Public Information Office Chief P/ Sr. Supt. Reuben Theodore Sindac na nangyayari ang zero crime rate sa mga nagdaang boxing match ni Pacman partikular na sa Metro Manila.
Idinagdag pa ni Sindac na kahit inaasahan nila ang zero crime rate ay mananatili silang vigilante sa pagÂbabantay laban sa mga masasamang elemento uÂpang tiyakin ang kaligtaÂsan ng publiko.
Sa tala, karaniwan ng tumitigil ang mundo ng mga Pinoy at maging ang mga pulis sa tuwing may laban si Pacman.
Kanselado naman ang live screening ng laban ni Pacman-Rios sa PNP Multi Purpose Center sa Camp Crame para ang matitipid na pondo ay ido-donate na lamang sa mga pulis na biktima ng bagyong Yolanda sa Samar at Leyte.
Sa linggo ay tiwala si Pacman na makakabawi sa ‘back to back’ na pagkatalo kina American boxer Timothy Bradley at Mexican boxer Juan Manuel Marquez sa laban nito kay Rios sa The Venetian Macau sa Macau, China.