Sekyu biniro ng kabaro,dedo
MANILA, Philippines - Sabog ang bungo ng isang sekyu matapos na pumutok ang baril na biniro ng kabaro na itutok sa noo sa paglalaro nila ng Russian roulette naganap kamakalawa ng hapon sa Sta.Rosa City,Laguna.
Namatay noon din ang biktima na si Richard Bandejas, 28, security guard ng Millgos Agency ng Southville IV, Brgy. Pooc ng lungsod.
Dinakip naman ang suspek na si Robert Roxas, 19, binata, kasamahang guwardiya ng biktima at stay in guard ng Carlton Residences.
Sa ulat, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa guard house ng Carlton Residences sa Brgy. Dita ng siyudad.
Sa salaysay ng mga sekyu na sina Mark Ian Mahinay, 21 at Christian Recla, 21 na nakita nilang naglalaro ang biktima at suspek ng Russian roulette at dito ay hawak ni Bandejas ang nakaisyu ritong baril na itinutok at kinaÂlabit ng tatlong beses sa kaniyang ulo pero hindi pumutok.
Dahil sa hindi pumutok ay sinabi ng suspek sa biktima na gamitin ang kanyang baril na isinunod naman nito at itinutok sa noo ng biktima na aksidente nitong nakalabit ang gatilyo at pumutok na siyang dagÂliang ikinamatay ng biktima.
Ang suspek ay kinasuhan ng homicide at nakakulong na sa detention cell ng Sta. Rosa City Police Station.
- Latest