^

Police Metro

Magsasaka niratrat ng bagong halal na kagawad

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niratrat ng armalite ng isang bagong halal na  barangay kagawad ang isang magsasaka matapos na mapikon sa kanilang pagtatalo kamakalawa sa Brgy. Libertad, Dimataling, Zamboanga del Sur.

Namatay noon din ang biktima na kinilalang si Marcelo Dagyagnao, 39 dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang suspek na si Eddie Guerra, 48 anyos, may-asawa, bagong halal na kagawad ng Brgy. Lower Ludiong, Dinas ng lalawigang ito.

Sa imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng umaga nang maganap ang krimen  sa bisinidad ng Brgy.Libertad nang makasalubong ng biktima at suspek na kung saan ay nagkaroon ang mga ito ng mainitang pagtatalo sa hindi pa batid na isyu na nauwi sa pamamaril ng suspek sa biktima.

Nagtamo ng mga tama ng bala ng M16 rifle mula sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad  nitong ikinamatay.

Isa sa sinisilip na anggulo ng pulisya sa kaso ay ang hindi pagsuporta ng biktima sa suspek sa nagdaang barangay eleksyon.

vuukle comment

BRGY

DIMATALING

DINAS

EDDIE GUERRA

ISA

LIBERTAD

LOWER LUDIONG

MARCELO DAGYAGNAO

NAGTAMO

NAMATAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with