Operator nilamon ng makina

MANILA, Philippines - Nadurog ang katawan ng isang operator matapos na siya ay maipit sa makina na kanyang ino-operate sa loob ng pinapasukang planta ng plastic sa Taguig City kahapon ng madaling-araw.

Ang nasawi ay nakilalang si Tahir Kamsa, 22, ng Block 183, Lot 33, IRM Road, Maharlika Village, ng naturang lungsod.

Batay sa ulat, dakong alas-4:00 ng madaling-araw nang i-report ng mga tauhan ng Eastern International Plastic Packaging Corporation, Brgy. Bagumbayan, Taguig, ang naganap na sakuna sa pulisya.

Nadatnan ng mga pulis ang biktima na nakaipit pa sa malaking makina sa loob ng naturang planta.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya, dahil sa walang makapagsabi sa tunay na nangyari kung aksidente o may foul play.

Show comments