P50-M heavy equipment sinunog ng NPA rebels
MANILA, Philippines - Sinunog ng mga arÂmadong grupo na pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang mga heavy equipment nang salakayin ang construction site ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Brgy. Titik, Sindangan, Zamboanga del Norte kamakalawa ng hapon.
Batay sa ulat, bandang alas-4:00 ng hapon nang salakayin ng may 15-20 armadong grupo kabilang ang apat na babae ang construction site ng DPWH sa nasabing lugar.
Nabatid na abala sa pagtratrabaho sa nasaÂbing construction site ang mga trabahador at empleyado ng ESR at DPWH nang lumusob ang mga armadong grupo at tutukan ang mga ito ng baril .
Walang nagawa ang mga kawani sa matinÂding takot sa mga armadong grupo na agad binuhusan ng gasolina ang mga heavy equipment at sinilaban hanggang sa maabo.
Tinataya namang umaabot sa P50,305,000 milyon ang kabuuang halaga ng mga nasunog na heavy equipment na pagmamayari ng DPWH at ESR ConsÂtruction Supply.
- Latest