Chinese trader ginapos, binigti ng helper

MANILA, Philippines - Isang 49-anyos na negosyanteng Intsik ang natagpuang patay sa loob ng kanyang hardware store sa Brgy. Burol 2, Dasmariñas City, Cavite.

Ang biktima ay naka­gapos na pinatay sa bigti ay nakilalang si Huangcai Lim, may asawa, Chinese national na may passport no. G20418312, tubong Fujien, China at residente sa  nasabing lugar.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Joel G. Navarro, 34, helper at residente ng Blk. 20, Lot 8, Brgy. Sta. Fe ng nasabing lungsod.

Tangay ng suspek ang hindi pa mabatid na ha­laga ng pera na ninakaw nito sa biktima.

Sa ulat, dakong alas-9:00 ng umaga nang matagpuan ang biktima ng kanyang anak na si Jenny Lim sa loob ng kanilang establisiyimento na nakahandusay sa sahig at nakagapos ang mga kamay at paa at duguan ang bibig.

Hinala ng pulisya sa pagitan ng alas-8:00- 9:00 ng umaga naganap ang krimen nang tiyempuhan ng suspek na sila lang mag-amo ang tao sa tindahan.

Show comments