MANILA, Philippines - Hiniling ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone kay Agriculture Secretary Proseso Alcala at Philippine Coconut Authority Administrator Euclides Forbes na magpadala ng maraming chainsaw upang magawang coco lumber ang mga puno ng niyog na natumba at maipagawa ng bahay ng mga biktima ng super bagyong Yolanda.
Anya, kailangan umanong magawa na coco lumber ang mga puno ng niyog dahil kung matatagalan pa ay mabulok na ang mga ito at mabahayan ng mga insekto na mas malaking problema para sa mga survivors ng bagyo.
Sa pamamagitan nito ay magkakaroon na rin ng trabaho ang mga residente dahil ang mag o-operate ng chainsaw ay babayaran ng P300 kada araw.
Bukod dito napagkasunduan din umano nina Evardone, Alcala at Forbes na magkaroon ng massive replanting ng niyog sa Eastern Samar para magkaroon muli ng kabuhayan ang mga residente ng lalawigan.
Sa bawat magtatanim ay babayaran ng P40 kada puno ng niyog na maitatanim.