Pedicab driver inutas

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 29-anyos na pedicab driver matapos na saksakin at barilin ng isang lalaki kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Ang nasawi ay nakilalang si Jason Tulabin, may-asawa, ng Building 3 Temporary Housing Barangay 105, Tondo, Maynila.

Tinuro naman ng isang testigo na isang alyas “Fredo” ang responsable sa pamamaslang sa biktima.

Sa ulat dakong alas-6:00 ng gabi nang makarinig ang mga residente sa lugar nang sunod-sunod na putok ng baril at nang puntahan ang pinanggalingan ng putok ay nakita ang biktima na duguang nakabulagta.

Malaki ang hinala ng pulisya na may atraso ang biktima at ito ay niresbakan lang ng suspek.

 

Show comments