Sanggol natusta sa sunog

MANILA, Philippines - Mismong sa loob ng tinutulugang kuwarto nasawi ang 1-anyos na sanggol na batang babae kamakalawa sa Brgy. Fili, Bayugan City, Agusan del Sur.

Ang nasawi ay kinilalang si Alaia Khyl Romarate, na halos abo na ang katawan nang marekober ang labi.

Batay sa ulat, dakong-4:35 ng hapon nang magsimula ang sunog sa silid nang natutulog na sanggol na nagkataon ang nanay ay may ginagawa sa labas ng bahay.

Huli na nang malaman ng nanay ang pagkasunog sa kuwarto ng anak na nabigo nang sagipin dahil sa masyado ng malaki ang apoy.

Halos mag-iisang oras bago naapula ang apoy ng mga bumbero.

Show comments