MANILA, Philippines - Dumaloy na rin ang suplay ng tubig sa Tacloban City, Leyte matapos ang halos dalawang linggo na maputol ang suplay dahil sa super typhoon Yolanda.
Ito ang inihayag ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ExeÂcutive Director Eduardo del Rosario at maiibsan na paghihirap ng mga tao dito.
Nagbukas na rin ang highways ng Tacloban na nagsara dahilan sa tambak ng mga nabuwal na punong kahoy, poste ng kuryente at iba pang na nasira ng bagyo.
Nagsimula na ring magbukas ang mga palengke na nagsipagsara at nagkakaroon na ng mga market transactions kaya’t may halaga na uli ang pera na hindi tulad dati ay walang halaga dahil hindi ka makabili ng mga pagkain at iba pang kailangan.
Inaasahan namang magbubukas na rin ang ATM sa darating na Huwebes, gayundin ang iba pang mga bangko sa lungsod.
Nakapag-deliver na ang pamahalaan ayon pa sa opisyal ng kabuuang 430,435 relief goods sa buong Region 8 o Eastern Visayas.