German trader utas sa tandem

MANILA, Philippines - Utas ang isang negosyanteng Aleman matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakilalang riding-in-tandem sa Tagbilaran City, Bohol nitong Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Manuel Anggentiener, 29 anyos, may ilang buwan na sa Tagbilaran City pero isang turista ang status nito.

Ang biktima ay dead-on-the-spot sa insidente sa tinamong dalawang tama ng bala sa kaniyang ulo.

Sinabi ni Supt Romeo Perigo, hepe ng Tagbilaran City Police naganap ang insidente sa hangganan ng tulay sa Brgy. Dawis papasok ng lungsod dakong alas-6:15 ng gabi habang pauwi na ang biktima lulan ng motorsiklo.

Ayon kay Perigo, dalawang motorcycle riding-in-tandem ang humarang sa biktima at binaril ito ng malapitan.

Dalawang anggulo ang sinisilip ngayon ng pulisya na motibo ng krimen, ang una ay alitan sa negosyo at ikalawa ay ang kasong estafa ng nasabing dayuhan.

Show comments