3 holdaper todas sa shootout

MANILA, Philippines - Todas ang tatlong holdaper sa isang shootout na naganap sa pagitan ng mga tauhan ng Quezon City Police sa Barangay Pansol, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Hindi pa nakikilala ang tatlong holdaper na tinata­yang nasa edad 30 hanggang 35 anyos,  5’3 hanggang 5’6 ang taas, katamtaman ang pangangatawan, naka- suot ng maong pants at t-shirt.

Ayon kay SPO3 Modestino Juanson ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) naganap ang insidente sa Katipunan Ext., cor. Ventura Street, Brgy. Pansol, Quezon City dakong alas-11:30 ng gabi.

Sinabi ni SPO3 Juanson, hinoldap umano ng mga suspek ang isang Bayad Center sa Brgy. Pansol at tinangay ang koleksyon na P5,200.

Agad naman nakaresponde ang mga tauhan ng QCPD-CIDU sa insidente pero sa halip na sumuko ang mga suspek ay nakipagbarilan ang mga ito sa mga pulis hanggang sa makorner na nagresulta ng kanilang pagkamatay.

Narekober sa tatlong napatay ang tatlong cal. 38 baril na kanilang ginamit sa holdap.

Show comments