Sunog sa QC: 1 nasawi
MANILA, Philippines - Isa ang nasawi at 2 ang sugatan sa sunog na naganap sa residential area sa Quezon City, kahapon ng madaÂling araw.
Kinilala ni QC Fire Marshall Supt. Jesus Fernandez ang nasawi na si Angelita Unidez, 57-anyos habang nasugatan naman ang fire volunteer na si Jose Capre at isang babae na hindi pa kilala.
Nabatid na ang sunog ay naganap dakong alas-12:58 ng madaling araw at umabot sa Task Force Bravo bago tuluyang naapula ganap na alas-4:55 ng umaga.
Nasa 100 bahay ang sinasabing naabo sa sunog sa Sitio Mendez, Sitio Militar at Sitio Pajo sa Barangay Baesa, Quezon City.
Ayon kay Fernandez, dikit-dikit ang mga bahay at makipot din ang kalsada kaya mahirapan silang apulahin ang nasabing sunog.
Sinasabing nadamay sa sunog ang ika-apat na palapag na gusali na pag-aari ng biktima na hindi na nagawa pang makalabas.
- Latest