Mag-live in itinumba

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang magka-live in na vendor matapos silang malapitang pagbabarilin ng isang hindi pa nakikila­lang suspek sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the spot ang dalawang biktima na sina Cornelia Fernandez, alyas ‘Connie Negra’, 33, at Bernard Briones, 24, na kapwa residente ng #14 Katuparan, Tondo, Maynila.

Tinamaan ng bala sa kaliwang tenga si Fernandez habang si Briones ay sa kanang sentido.

Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang insidente sa pagitan ng  Bldg. 19 at Bldg.  20 ng Aroma Temporary Housing sa Tondo.

Sinabi ni Escarlan, sumulpot ang gunman at nasorpresa na lamang ang dalawa nang sila ay pagbabarilin ng suspek.

Aalamin pa ang posibleng motibo sa krimen upang matukoy ang pagkakilanlan ng suspek.

 

Show comments