^

Police Metro

Magkakapitbahay pinagbabaril: 2 patay, 4 sugatan

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nauwi sa trahedya ang masayang kuwentuhan ng anim na magkakapitbahay matapos na sila ay pagbabarilin ng dalawang lalaki  na sakay ng isang motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Malabon City.

Namatay habang ginagamot sa Fatima Hospital ang mga biktimang sina Virgilio Mariano, 56 at Samuel Pasto, 23, kapwa taga-University Avenue, Barangay Potrero ng lungsod na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Malubha namang nasugatan sa tama ng bala ang apat na biktima na sina Jesusa Tan,  46;  Cecile Tupaz, 31; Rodrigo Mendoza, 50 at Teofilo Angeles Jr., 34, pawang mga residente ng naturang  lugar.

Sa ulat, dakong ala-1:00 ng madaling-araw ay nagkukuwentuhan ang mga biktima sa kahabaan ng University Avenue, Barangay Potrero nang dumating ang  isang motorsiklo na kinalululanan ng dalawang lalaki at nilapitan ang mga biktima at pinagbabaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang motibo nang pamamaril at sino ang mga suspek.

vuukle comment

BARANGAY POTRERO

CECILE TUPAZ

FATIMA HOSPITAL

JESUSA TAN

MALABON CITY

RODRIGO MENDOZA

SAMUEL PASTO

TEOFILO ANGELES JR.

UNIVERSITY AVENUE

VIRGILIO MARIANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with