Wanted na lider ng gang utas sa barilan

MANILA, Philippines - Isang wanted na lider ng robbery/carnapping gang ang napatay nang manlaban ito sa mga aares­tong pulisya kamakalawa sa Brgy. Burol, Calamba City, Laguna.

Ang nasawi ay nakilalang si Charlie Mamalayan, lider ng Mamalayan robbery/carnapping gang habang sugatan naman ang isa nitong kasamahan na si Joel Isiderio.

Sa ulat, bandang alas- 4:45 ng hapon ay patungo ang mga otoridad sa lugar upang isilbi ang  warrant of arrest kay Mamalayan nang masabat ito sa daan.

Agad na isinalpok  ng suspek ang motorsiklong minamaneho ng pulis­ya saka pinaputukan na nagresulta sa ilang minutong shootout na ikinamatay ng suspek.

Show comments