MANILA, Philippines - Isang police general ang sinibak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Alan Purisima matapos na malaman na sa kanya nagmula ang ulat na umabot sa 10,000 katao ang masawi sa super bagyong Yolanda.
Nabatid na ipinaÂhanap pa mismo ni Pangulong Benigno Aquino III si Police Regional Office (PRO) 8 Director Chief Supt. Elmer Soria nang mabatid na ito ang pinanggalingan ng report na pinagdudahan ng punong ehekutibo dahil sa pagtaya ay aabot lamang sa 2,500 ang posibleng nasawi sa trahedya.
Nabatid matapos ang kontrobersya ay agad nagpalabas ng order si Purisima para sibakin si Soria at inirekomenda naman si Chief Supt Henry Lozanes, Director ng PNP Maritime Group upang humalili rito sa puwesto.
Inaasahan naman ang turnover sa PRO 8 ay isasagawa sa lalong madaling panahon o mahigit isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda noong Marso 8.
Bukod pa ay nabulabog ang buong Tacloban City nang ihayag ni Soria sa isang radio interview na pinasok na ng mga armadong kalalakihan ang lungsod na nagdulot ng pagpapanik sa mga tao subalit nang magresponde ang pulisya at militar ay walang nakita sa Brgy. Abucay ng lungsod.
Si Soria ay pansaÂmantalang ilalagay sa PNP Headquarters sa Camp Crame matapos naman itong tanggalin sa puwesto.