^

Police Metro

Hacker ng Gov’t. websites tiklo sa NBI

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang hinihinalang hacker ng mga website ng gobyerno ang nadakip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBJ) kamakalawa sa Butuan City.

Ang suspek ay kinila­lang si  Rodel Plasabas  na may mga alyas na  “Reaper­”, “anonymous butuan” at  “Anon Reaper”.

Sa ulat na natanggap ni Justice Secretary Leila de Lima na sa aktong nasa harap ng
computer at nakikipag-chat ang suspek nang dakpin ng mga ahente ng NBI.

Nabatid na isinailalim muna umano sa matagal na surveillance ang suspek at nang makakuha sa korte ng search warrant ka­ugnay sa paglabag sa Republic Act 8972 o E-Com­merce Law ay isi­nilbi ang search warrant na
nagkataon pa na naka-online ang suspek.

Sa  mga naunang pagsusuri sa mga huling mensahe sa chat ng suspek ay may mga indikasyong  siya ay responsable tungkol sa pangha-hack sa mga website ng gobyerno.
Nagsasagawa din ng forensic  investigation  para sa mga ebidensiyang
makukuha laban sa suspek  para magamit sa kasong isasampa.

vuukle comment

ANON REAPER

BUTUAN CITY

E-COM

JUSTICE SECRETARY LEILA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

REPUBLIC ACT

RODEL PLASABAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with