8 ‘looters’ utas sa pagransak ng NFA warehouse
MANILA, Philippines - Bagama’t nakaligtas sa kamatayan sa hagupit ng super bagyo na si Yolanda ay hindi naman naligtasan ng 8 katao ang pagbagsak sa kanila ng mga saku-sakong bigas na kanilang ninanakaw sa nawasak na bodega ng National Food Authority (NFA) dahil sa stampede noong Lunes sa AlaÂngalang, Leyte.
Sa sketchy report na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insidente sa pinakamalaking bodega ng NFA sa nasabing bayan na tinatayang nasa 15-20 kilometro ang layo sa Tacloban City nang bigla na lamang nilusob ng mga residenteng naapektuhan sa bagyo ang nasabing bodega ng bigas.
Nagkagulo ang mga tao na hindi mapigilan sa pagbuhos nang sumugod at puwersahan na pinasok ang bodega ng bigas at nagkani-kaniyang buhat ng mga sako ng bigas.
Sa tindi ng stampede ay gumuho ang bodega ng bigas na ikinasawi ng 8 na patuloy pang inaalam ang mga pagkakakilanlan.
Nabatid na marami ring survivors ang nasugatan sa nasabing agawan ng bigas sa naturang bodega.
Sinabi naman ni NFA Administrator Orlan Calayag, tinatayang nasa 33,000 sako ng bigas ang natangay ng mga ‘looters’ sa kanilang bodega.
Nabatid pa na dahilan sa storm surge o paglaki ng alon na nasa 15 talampakan ang taas ay nasa 16,000 sako ng bigas ang nasira sa bodega ng NFA sa Tacloban City noong Nobyembre 8.
- Latest