^

Police Metro

80 missing... Death toll sa ‘Yolanda’:2,275 na

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasa 2,275 ang naitatalang nasawi, 3,365 ang nasugatan habang nasa 80 ang nawawala sa pananalasa ng super bagyong Yolanda sa Visayas Region partikular sa Leyte at Samar.

Ito ang iniulat ni National Disaster Risk Reduction and Ma­nagement Council (NDRRMC) Executive Director Eduardo del Rosario na taliwas sa naunang napaulat na  espekulasyon na posibleng umabot sa 10,000 ang  nasawi na pinagdududahan din ni Pangulong Benigno Aquino III.

Idinagdag pa ng opis­yal na may protocol silang sinusunod sa NDRRMC na tanging ang mga narerekober lamang na bangkay ang maaring bilangin at hindi dito kabilang ang mga sabi-sabi lamang na hindi naman natagpuan.

Ang pinakamalaking bilang ng mga nasawi ay mula sa Tacloban City, lalawigan ng Leyte.

Umaabot naman sa  P761,400,371.89  ang pinsala ng super bagyo kung saan P560 milyon  dito ay mula sa sektor ng agrikultura.

EXECUTIVE DIRECTOR EDUARDO

IDINAGDAG

LEYTE

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MA

PANGULONG BENIGNO AQUINO

SAMAR

TACLOBAN CITY

VISAYAS REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with