MANILA, Philippines - Aayuda ng tulong ang pamahalaan ng Estados Unidos nang iutos ang pagtungo ng aircraft carrier USS George Washington at iba pang US Navy warship sa Pilipinas para tumulong sa relief and humanitarian mission sa mga biktima ntg super bagyong Yolanda sa Visayas Region.
Ang direktiba ay ipinalabas ni US Secretary of Defense Chuck Hagel na ipinadala ng US Embassy sa Defense reporters.
Ang USS George Washington na bumisita na sa Pilipinas noong 2010 ay may 5,000 sailors at may flight deck na may dalang 80 aircraft ay kasalukuyang nasa Hong Kong kaugnay ng port visit doon.
Kabilang sa karga ng USS George Washington ay ang cruisers USS Antietam (CG 54) at USS Cowpens (CG 63), USS Mustin (DDG 89). Samantalang ang supply ship USNS Charles Drew (T-AKE-10) ay patungo na rin sa Pilipinas, ang USS Lassen (DDG 82) ay nauna nang naglayag patungo sa Pilipinas. Ang USS George Washington ay mayroon ring Carrier Air Wing Five (CVW-5) na inaasahang nasa Pilipinas na sa pagitan ng 48-72 oras.
Nauna nang nagpadala ang US ng mga helicopters, surveillance planes para magamit sa transportasyon ng supplies, search and rescue equipments, medical teams at Marine troops para tumulong at mapabilis ang relief operation sa bansa.
Ang nuclear powered supercarrier ay hango sa pangalan ni dating US President George Washington na sumusukat ng 1,092 talampakang taas habang ang lapad ay nasa 244 feet, kayang magsakay ng 80 aircraft at may flight deck na 4.5 acres o 3,880 talampakan.