Matandang binata tepok sa kaibigan

MANILA, Philippines - Tinapos ang pagi­ging matalik na magkaibigan ng dalawang matandang binata nang patayin ng 50-anyos ang 64-anyos na kaibigan nang paluin niya ito sa noo matapos magkapikunan habang nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Pandacan, Maynila.

Ang biktima na nasawi ay nakilalang si Fernando Rojo, residente ng no. 2761 Sto. Nino, Beata, Pandacan, Maynila.

Ang suspek na tumakas ay nakilalang si Lito Bacani, ng no.  2611 San Jose St., Beata, Pandacan, Maynila. Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi sa may riles ng tren na sakop ng Beata, Pandacan ay nag-iinuman ang biktima at suspek ng magkaroon ng mainitang pagtatalo sa hindi nabanggit na dahilan.

Dito ay napikon ang suspek at kumuha ng matigas na bagay at pinalo ang biktima sa noo.

Show comments