Egyptian national inutas

MANILA, Philippines - Idineklarang dead on arrival sa ospital ang isang Egyptian national nang ito ay barilin sa ulo ng isang lalaki na nakamotorsiklo noong Linggo ng umaga sa Brgy. Salawag, Dasmariñas, Cavite.

Ang nasawi ay kinila­lang si Alihdris Ahammad,  nasa hustong gulang, ng Blk. 18, Lot 18, Phase 2 Avida Sta. Catalina, ng nasabing barangay at manager ng isang employment agency na nakabase sa Ermita, Maynila.

Sa ulat, dakong alas-7:45 ng umaga ay nagla­lakad ang biktima patungo sa Salawag Private Market, nang ito ay lapitan ng hindi pa nakikilalang suspek na naka-helmet at sakay ng motorsiklo at malapitang binaril sa ulo.

Nang bumulagta ang bik­tima ay mabilis na tu­ma­­kas ang suspek.

Show comments