^

Police Metro

100 bangkay nagkalat sa kalsada... Tacloban durog kay ‘Yolanda’

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagkapatong-patong at nakahilera umano sa kalsada ang mga nasawi sa super bagyong si ‘Yolanda’ sa Tacloban City, Leyte.

Ayon kay Lt. Jim Aris Alagao, Spokesman ng AFP Central Command, nai-radyo umano sa kanila ng Army’s 8th Infantry Division (ID) ang nakakalunos na sitwasyon ng mga biktima ni ‘Yolanda’.

“As to the estimates, maraming marami ang patay makapanindig balahibo ito,  we already sent 100 body bags requested in the area,” pahayag ni Alagao sa phone interview kaugnay ng delubyo na iniwan ng bagyo sa Visayas Region partikular na sa Tacloban City.

Sinabi ni Alagao, bilang pagsunod sa protocol ipinauubaya na nila sa Office of Civil Defense ang pagkumpirma sa eksaktong  bilang ng mga nasawi.

Sa isang television interview naman kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) De­puty Director John Andrew, kinumpirma umano ng kanilang station manager sa Tacloban City na nasa 100 ang nagkalat na bangkay sa kalsada at marami ang sugatan.

Iniulat naman ni Cebu Provincial Office (PRO) VII Director P/Chief Supt. Danilo Constantino na tatlo ang nasawi sa bayan ng Medellin, isa ang nabagsakan ng punong kahoy, habang dalawa naman ang nalunod at 3 pa ang nawawala.

Sa  ulat naman ng PNP, sinasabing tatlo ang nasawi sa Coron, Palawan; dalawa sa Antique, dalawa sa Iloilo, isa sa Capiz at dalawa sa Bugasong.

Sa ulat naman ng NDRRMC, apat pa lamang ang nairekord nilang nasawi dahil sira ang linya ng komunikasyon na nag-uugnay sa mga sinalantang probinsiya.

Sa report naman ni DSWD Director Rey Macuto, umaabot na sa mahigit 4,093 na pamilya na kabuuang 104 milyong katao ang apektado ng bagyo sa 36 lalawigan, 201 munisipalidad  at Regions IVA, IVB, V, VI, VII, VIII, X, XI at Caraga.

CEBU PROVINCIAL OFFICE

CENTRAL COMMAND

CHIEF SUPT

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES

DANILO CONSTANTINO

DIRECTOR JOHN ANDREW

DIRECTOR P

DIRECTOR REY MACUTO

TACLOBAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with