Signal man nasapol ng crane, dedbol
MANILA, Philippines -Nasapol ang isang binata na nagmamando ng crane matapos na aksidenteng tamaan ito sa pag-ikot sa loob ng isang construction site sa Quezon City.
Ang nasawi ay nakilalang si Richard Cortez, nasa hustong gulang, signal man, at residente ng Brgy. Sta. Cruz sa lungsod.
Nakilala naman ang crane operator na si Reginaldo Vicente, 31, binata ng Brgy. Lupang PaÂngako.
Batay sa ulat, dakong alas-4:10 ng hapon sa loob ng construction site ng Fisher’s Mall sa Gen.Luis St., kanto ng RooseÂvelt Avenue, Brgy. Sta. Cruz ay kasalukuyang pinaaandar ni Vicente ang crane habang ang biktima naman ay nakatayo at nagsisilbing taga signal nang biglang tamaan sa pag-ikot ng crane.
Nang bumagsak ang biktima ay isinugod ito sa Quezon City General Hospital, subalit namatay din ito habang nilalapatan ng lunas.
- Latest