MANILA, Philippines - Pormal na binuksan kahapon ng Congressional Spouses Foundation Inc. (CSFI) ang isang national trade fair na tinawag na Kabuhayan 2013 sa Megatrade Hall 2 sa SM MegaÂmall at ipinamaÂmalas ang iba’t ibang local products, tourist destiÂnations sa buong bansa para makilala ng buong mundo.
Ayon kay House Speaker Feliciano “SB†Belmonte na mahigit 100 exhibitors na kanilang natulungan mula sa iba’t ibang lugar sa buong bansa ang kasali sa naturang trade fair para maipakilala sa buong mundo ang produkto at gawang Filipino tulad ng handicrafts, kasuotan, prutas, kakanin, wellness products, household items at accesories.
Ang trade fair ay magÂÂtatagal hanggang sa Nobyembre 10, 2013 mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi.
Kasama sa trade fair ang Sikap Buhay EntreÂÂpreÂneurship and CoopeÂrative Office (SBECO), ang QC government’s arm para sa proteksiyon at kaÂpakanan ng mga city-based entrepreneurs na sinusuportaÂhan ng CSFI kung saan si QC Vice Mayor Joy BelÂmonte ang Presidente.