Bagong silang na sanggol itinapon sa basurahan
MANILA, Philippines - Naisalba ng isang magtiyuhin ang isang bagong silang na sanggol na babae matapos na marinig nila ang pag-iyak nito sa tambak na mga basura sa Purok 3 Ambangan, Brgy. Libertad, Butuan City, Agusan del Norte.
Sa salaysay ng magÂtiyuhing Jimmy Gabor, 34 at pamangkin na si Sandy Abiagador,16, na sakay sila ng traysikad ng makarinig sila dakong alas-11:30 ng gabi nang iyak ng sangÂgol sa may tambakan ng basura.
Agad nilang pinuntahan ang pinanggagaÂlingan ng iyak at dito ay nakita ang sanggol na nababahiran pa ng dugo ang katawan at bagong putol na pusod na indikasyong isang hilot ang nagpaanak dito.
Agad silang tumawag sa Butuan City Police Station 3 na nagresponde sa lugar at kinuha ang munting anghel bago pa man ito mapahamak sa mga asong gala sa lugar.
Ang sanggol ay dinala sa Ambago Health Center kung saan isinailalim sa medikasyon bago ibinigay sa paÂngangalaga ng City Social Welfare Development ng lungsod.
Patuloy ang imÂbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy at maaresto ang ina ng sanggol na nagtapon sa kanyang anak.
- Latest