SWS: 10.8-M pamilyang Pinoy naghihirap

MANILA, Philippines - Nasa 10.8 milyong pamilyang Pilipino ang nagsasabing sila ay naghihirap ngayong ikatlong quarter ng 2013.

Ito ay batay sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) noong September  20 hanggang 30  mula sa 1,200 katao na may 18 anyos  pataas.

Noong Hunyo ay nasa 10.4 milyon ang nagsasabing mahirap sila batay sa isinagawang survey sa nasabing buwan.

Sa naturang mga survey ay nagpapakita ito  na maraming pamilyang Pilipino ang  nagsasabing nagkukulang sila sa pagkain.

Nakasaad pa sa  survey, na kailangang kumita ang isang pamilya ng P15,000 kada buwan upang makasapat ang pangangailangan ng pamilya sa Metro Manila.

Dapat naman ay nasa P10,000  kita kada buwan ang kailangan ng bawat pamilya sa Luzon at Visayas  para hindi matawag na mahirap at P9,500 sa Mindanao.

Ang mga taga-Me­tro Manila ay dapat  na umaabot sa P8,500 ang  monthly food budget, P5,000  naman sa  iba pang bahagi ng Luzon at Visayas, at P4,000 naman sa Min­danao.

Show comments