MANILA, Philippines - Dahil umano sa paninindigan ni Pangulong Benigno S. Aquino III na hindi mag-sorry sa mga biktima ng 2010 Manila hostage crisis ay isinusulong ng mga mambabatas sa Hong Kong ang pag-aalis ng libreng visa para sa mga Pinoy na bibisita at pag-boycott din sa mga produkto galing sa Pilipinas.
Ang nasabing panukala na suspindihin ang “visa free-entry†sa mga Pinoy touÂrists sa Hong Kong ay suportado umano ng Beijing-Loyalist parties at Pan-Democrats upang ma-pressure at mapilitan ang Philippine government na humingi ng paumanhin at maibigay ang tamang kompensasyon ng mga biktima ng madugong hostage-taking.
Isang mosyon ang inihain ng Legislative Council ng Hong Kong na nakatakda umanong aprubahan sa Miyerkules na naglalayong bawiin ang “visa-free access†ng mga Pinoy na nagnanais na bumista sa Hong Kong.
Bukod sa pag-aalis ng pribilehiyong visa-free entry ay isinusulong din ng isang HK lawmaker na ipatigil ang pagbili ng mga produkto galing sa Pilipinas, ipinatitigil din ang pakikiÂpag-negosasyon para Âsa kalakalan at air routes.
Sa huling survey ng isang travel agency, ang Hong Kong at Singapore ang paboritong pasyalan pa rin ng mga Pinoy.
Nabatid na umaabot sa 15.6 porsyento ang itinaas ng bilang ng mga Pinoy na bumisita sa Hong Kong mula EneÂro hanggang Hulyo nitong 2012 sa kabila ng naganap na standoff at ngitÂngit ng mga mamamayan ng Hong Kong habang naitala na may 659,829 Pinoy arrivals sa Hong Kong noong 2011.