Mahal magbenta ng ukay-ukay... Korean trader itinumba ng kustomer

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang negos­yanteng Korean national nang barilin ito ng kanyang naging customer na nagalit dahil sa mahal ang tinda nitong sapatos na ukay-ukay kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa katawan ay nakilalang si Sungmo Hong, 41, ng Phase 3, Bagong Silang, nasabing lungsod.

Batay sa ulat, alas-6:00 ng gabi sa tindahan ng ukay-ukay ng biktima sa Phase 4, Bagong Silang ay nagtungo ang isang lalaki upang bumili ng sapatos.

Namahalan ang suspek sa presyo ng biktima kung kaya’t nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Galit na umalis ang suspek at makalipas ng ilang minuto ay bumalik ito sa tindahan ng biktima at walang sabi-sabing pinagbabaril ito at pagkatapos ay mabilis na tumakas.

Show comments