Phivolcs:3,189 aftershocks naitala sa Visayas

MANILA, Philippines - Mahigit sa 3,000 aftershocks ang naitala sa Visayas sa loob ng dalawang linggo matapos ang 7.2 magnitude na lindol noong October 15.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), na kahapon ng alas-6:00 ng umaga ay naitala ang 3,189 aftershocks kabilang na ang magnitude 5.2 quake noong Biyernes ng  gabi.

Ang epicenter ng lin­dol ay naitala sa 42 kilometers northeast ng Tagbilaran City, Bohol dakong alas-9:58 ng  gabi noong Biyernes.

Naramdaman ang ang Intensity V -Talibon, Bohol; Mandaue City; Cebu City Intensity IV - Tagbilaran City; San Isidro, Bohol; Intensity III - Dumaguete City; Intensity I - Hibok-hibok.

 

Show comments