Tandem nabundol ng jeep: 1 patay

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival ang isang 23-anyos na binata habang ang kasama nito ay nasa kritikal na kalagayan matapos ang sinasakyan nilang motor ay sinalpok ng isang pampasaherong jeep kamakalawa sa kahabaan ng Molino-Paliparan Road, Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Ang nasawi ay nakilalang si Arnel Bonuel, ng Blk. 13, Lot 8, P-5, San Marino City Subdivision, Salawag habang nasa patuloy na  inoobserbahan ang kasama nito na si Jervis Mamaril, 23,  ng Blk.31, Lot 21, ng nasabing subdibisyon.

Nadakip naman ang suspek na si Gabriel Serna, 41, ng Blk. 19, Queensrow, Molino 3, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat, alas-5:20 ng umaga ay mabilis na binabaybay ng mga biktima sakay ng isang motorsiklo ang kahabaan ng lugar gayundin ang pampasaherong jeep (DWS-615) kung kaya’t nawalan ng kontrol at nasalpok  ang motorsiklo.

Sa lakas nang pagkakasalpok ay kapwa tumi­lapon ang magkaibigan na una ang ulo na lumagpak sa espaltadong kalsada.

 

Show comments