Ulo tinadtad ng bala ni kumpare

MANILA, Philippines - Limang tama ng bala sa ulo ang tinamo ng isang 39-anyos na lalaki nang ito ay barilin ng kanyang kumpare sa hindi pa malamang kadahilanan kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Namatay noon din ang biktimang si Alexander Burgos, 39, ng 7th St., GHQ, Brgy Katuparan, ng naturang lungsod.

Ang tumakas na suspek ay nakilalang si Arnold Estrada.

Batay sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi nang pagbabarilin ng suspek ang biktima habang nag-uusap ang mga ito.

Isang saksi ang nagpahayag sa pulisya na nakita niya ang suspek at biktima na nag-uusap at narinig nito na nagmamakaawa ang huli sa una at ang kasunod ay sunud-sunod na putok ng baril.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at hinihinalang may matinding galit ang suspek kaya pinuntirya ang ulo nito.

Show comments