Policewoman na nagpakamatay nag-positibo sa gun powder

MANILA, Philippines - Nag-positibo sa gun powder sa isinagawang parrafin test ang nagbaril sa sarili na si P/Insp. Romelou Medina habang ang 17 pa na police personnel ng PNP-Crime Laboratory (PNP-Crime Lab) sa Camp Crame na naka-duty nang maganap ang insidente ay nag-negatibo.

Ayon kay PNP Spokesman P/Sr. Supt. Wilben Mayor ang pagsasagawa ng paraffin test ay upang mabatid ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ni Medina, 35, noong Huwebes ng umaga sa Finance Section ng PNP-Crime Laboratory.

“Medina’s right hand is positive for gun powder burns meaning she could have fired a gun but this is not yet conclusive,” ani Mayor na sinabing tinatapos pa ang resulta ng imbestigasyon.

Show comments