PSC at POC kinasuhan sa Ombudsman
MANILA, Philippines - Sinampahan ni Senator Antonio “Sonny†Trillanes IV ng reklamong malversation sa Office of the Ombudsman ang mga pinuno ng Philippine Sports Commission (PSC) at ng Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay sa pagpapalabas ng pondo sa mga pekeng National Sports Associations.
Ang kaso ay isinampa niya laban kina POC president Jose “Peping†Cojuangco Jr., uncle ni President Benigno Aquino III, at PSC chairman Richie Garcia.
Inihayag mismo ni Trillanes ang pagsasampa ng reklamo sa Ombudsman sa hearing ng budget ng PSC para sa 2014.
Ayon sa kasong sinampa ng Table Tennis Association of the Philippines o TATAP, sa pamamagitan ng Chairman nito na si Jacinto Omilla Jr., nagbigay ng pondo at tseke ang PSC sa grupo ni Ting Ledesma na nagpapakilala bilang legal na opisyal ng TATAP, bagaman merong nakabinbin na kaso sa Regional Trial Court ng Maynila.
Inamin ni Garcia na bagaman alam niya ang kaso ukol sa legalidad ng grupo ni Ledesma, nagbigay ito ng pondo na umaabot sa P2,327,465.
Kasama sa mga kinasuhan ng TATAP ay sina: Jose Cojuangco Jr., Ricardo Garcia, Salvador Andrada, Gillian Akiko Guevarra, Wigberto Clavecilla Jr., Ting Ledesma, Annie Andanar, Domingo Panlilio, Arnel Berroya, at Ma. Theresa Diniega.
Inihayag naman ni Garcia na nakahanda siyang sagutin ang kaso sa “proper forumâ€.
- Latest