Pinoy welder sa US nahulog sa oil rig
MANILA, Philippines - Isang search and rescue operations ang isinasagawa ng United States Coast Guard kasama ang ipinadalang dalawang eroplano at dalawang helicopter at mga barko upang mahanap ang katawan ng isang 38-anyos na Pinoy welder matapos na umano’y mahulog sa isang oil rig sa Gulf of Mexico sa Estados Unidos noong Linggo.
Naka-rehistro bilang trabahador ng Offshore Specialty Fabricators na nakabase sa Houma, Louisiana ang nasabing nawawalang Pinoy na nahulog habang nagtatrabaho sa platform sa Vermillion Block 200 na nasa katimugang bahagi ng Freshwater Bayou, pagitan ng Lake Charles at Baton Rouge, may 55 milya ang layo sa Louisiana noong Oktubre 27 ng gabi.
- Latest