Kandidatong kagawad na ayaw magbayad ng utang, inutas

MANILA, Philippines - Pinagtataga ang isang kandidatong konsehal sa araw ng eleksyon matapos na mabigo na magbayad ng utang sa kaniyang kapitbahay sa Dinagat Island, Surigao del Norte.

Namatay noon din ang biktimang si Godofredo Siega Jabay, 59, kandidatong konsehal sa Brgy. Albor, Libjo, Dinagat Island sa dami ng tinamong mga taga sa katawan.

Nadakip agad ang suspek na si Marjun Sapio, 29, obrero at residente ng Brgy. San Antonio, Libjo ng nasabing isla.

Sa imbestigasyon, naganap ang krimen sa Brgy. Albor Libjo, Dinagat Islands dakong alas-9:00 ng umaga habang kasalukuyang nakatayo ang biktima may ilang metro ang layo sa bahay nito nang sumulpot ang suspek na may bitbit na itak at pinagtataga ito.

Nabatid na may utang na P3,900.00 ang biktima sa suspek na hindi nito nababayaran.

Show comments