MANILA, Philippines - Hindi marahil maÂtanggap ng outgoing barangay chairman ang pagkatalo ng kanyang anak na inilaban niya sa pagka-barangay chairman nang talunin ito ng mismong tiyuhin niya kaya’t sa galit ay nagawa niya itong patayin at dinamay pa ang dalawang kapatid na babae naganap kahapon ng umaga sa isla ng Brgy. Manapao, Pontevedra, Capiz.
Ang nagwaging baÂrangay chairman na pinatay ay nakilaÂlang si Ramon Arcenas, 54 at ang dalawang kapatid nito na idinamay ay sina Jennifer Arcenas Nuyles, 57; at EveÂlyn Arcenas Espinar, 58, na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Tumakas naman ang suspek na si Manuel Arcenas, 62, na katatapos laÂmang ng termino bilang barangay chairman.
Batay sa ulat, bandang alas-5:00 ng umaga ay nagkukwentuhan ang tatlong biktima sa bakuran ng isang Wennie BaÂticula sa Brgy. Manapao, Pontevedra nang biglang sumulpot ang suspek na may dalang cal.30 carbine rifle at unang pinagbabaril si Ramon at isinunod ang dalawang kapatid dahil sa pagsuporta nito sa kandidatura.
Sa imbestigasyon, ilang oras matapos maiproklaÂmang nanalong barangay chairman si Ramon ay ikinagalit ito ng suspek dahil sa natalo ang anak niyang si Isabel na pinalaban niya.
Bukod dito ay may aliÂtan rin umano sina Ramon at si Manuel sa malawak na lupain sa isla ng Brgy. Manapao na pinag-aagawan ng mga ito.