Barangay chairman dinukot
MANILA, Philippines - Isang barangay chairman na muling tatakbo sa posisyon ang dinukot ng hindi pa nakilalang mga armadong kalalakihan noong bisperas ng barangay election sa Lamitan City, Basilan.
Kinilala ni Police Regional Office (PRO) Autonomous Region in Muslim Mindanao Director P/Chief Supt. Noel delos Reyes ang pagdukot sa biktimang si Alrusdi Kasim Jainul, incumbent brgy. chairman ng Brgy. Tandung Ahas ng lungsod.
Batay sa ulat, bandang alas-9:45 ng umaga ay lulan ang biktma ng sasakyan patungo sa Isabela City, Basilan nang bigla na lamang sumulpot sa nasabing lugar ang mga armadong suspek na lulan ng isang kulay itim na sports utility vehicle na may backup na dalawang motorsiklo na sinasakyan ng anim katao.
Agad tinutukan ng mga suspek ng baril si Jainul at puwersahang kinaladkad pasakay sa SUV na namataang tumahak patungo sa direksyon ng Isabela City.
Isang search and rescue operation ang iniÂlunsad upang iligtas ang biktima.
- Latest