^

Police Metro

Flying voters naglipana sa Caloocan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inihayag ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV), na higit sa 50 reklamo ng “flying voters” ang nakarating sa kanila buhat sa mga botante at tagasuporta ng ilang mga kandidato sa iba’t ibang polling precincts sa Caloocan City kahapon.

Ilan sa mga ito ay ang Barangay 187-188 na marami sa mga nakarehistro ang hindi makita ang kanilang presinto kaya’t hindi nakaboto, subalit marami rin ang nakaboto kahit wala sa master’s list sa mga presinto dahil sa hinahayaan umano ng mga bantay sa presinto dahil sa kakilala.

Anim na hinihinalang flying voters ang naaresto sa may E. Rodriguez Elementary School sa may 11th Avenue, Caloocan at nahuli sa kanilang po­sesyon ang mga bitbit na listahan ng kandidatong iboboto at tig-P500 na ibinayad bawat isa.

Dinala sa pulisya ang mga inaresto ngunit pinalaya rin naman matapos na itala lamang sa “police blotter” ang insidente at pagkakakilanlan ng mga ito bilang rekord upang magamit kung sakaling itutuloy ang pagsasampa ng kaso sa mga ito.

 

vuukle comment

CALOOCAN

CALOOCAN CITY

DINALA

ILAN

INIHAYAG

PARISH PASTORAL COUNCIL

RESPONSIBLE VOTING

RODRIGUEZ ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with