^

Police Metro

Sa loob ng 24 oras... 40 insidente ng karahasan sa elections naitala ng PNP

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naitala ng PNP National Task Force SAFE (Secured and Fair Elections) sa loob ng 24 oras ang 40 insidente ng karahasan kaugnay ng ginanap na barangay elections sa bansa kahapon.

Sinabi ni PNP Deputy Director for Operations P/Deputy Director General Felipe Rojas, Commander ng National Task Force SAFE, sa kabuuang 40 karahasan ay 22 ang nasawi, 37 ang nasugatan, 8 ang nawawala matapos ang mga itong makidnap.

Ayon kay Rojas, karamihan sa mga naitalang insidente ng karahasan ay sa Mindanao kabilang dito ang mga lalawigan ng Lanao del Sur, Bukidnon, Cotabato, Maguindanao at iba pa.

Kabilang sa mga naitalang karahasan ay ang pana­nambang sa grupo ni Malitbog Bukidnon Brgy. Captain Algene Ocero dakong alas-11:15 kamakalawa.

Ang ambush sa isang election officer na kinilalang si Atty. Merlinda Alvarez sa Brgy. Parina, Palanas, Masbate dakong alas-11:18 ng umaga kamakalawa na ikinasugat ng opisyal at dalawang pulis.

Kahapon ng alas-7:00 ng umaga ay nasugatan ang kandidatong brgy. chairman na si Hermie Asao nang pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Brgy. Kamaburingan, Basilan sa mismong pagbubukas ng halalan.

Sa kabila nito, sinabi ng opisyal na mapayapa sa kabuuan ang isinasagawang pagdaraos ng halalang pambarangay kumpara sa mga nagdaang eleksyon.

Samantala, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na sa pangkalahatan ay naging mapayapa ang naganap na elections.

 

BRGY

CAPTAIN ALGENE OCERO

DEPUTY DIRECTOR

DEPUTY DIRECTOR GENERAL FELIPE ROJAS

HERMIE ASAO

MALITBOG BUKIDNON BRGY

MERLINDA ALVAREZ

NATIONAL TASK FORCE

OPERATIONS P

SECURED AND FAIR ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with