MANILA, Philippines - Utas ang dalawang baÂtang magkapatid sa sunog na sumiklab sa Makati City, kahapon ng madaÂling araw.
Nakita ang sunog na bangkay ng magkapatid na sina Rose Ann Ariola, 6-anyos; at Robert, 4-anÂyos, sa bahagi ng bumagsak na ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Macda Compound, Brgy. Cembo.
Halos hindi naman makausap dahil sa tindi ng pagdadalamhati ang ama ng mga biktima na si Emmanuel Ariola.
Sa paputol-putol na pagÂsasalita ni Emmanuel, sinabi niya na sandali lang siyang umalis ng bahay upang tignan ang puwesto nila sa palengke pero pagbalik niya ay nasusunog na ang kanilang tahanan.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:05 ng madaÂling araw nang sumiklab ang apoy na sinasabing nagmula sa bahay ng isang Aida Ambong sa Macda Compound, Brgy. Cembo matapos na may mag-away sa loob ng nasabing compound.
Dakong ala-1:42 ng madaling araw nang magdeklara ang Makati Fire Department ng “fire under control†at dakong alas-3:10 na ng madaling araw nang ganap na maapula ang sunog na umabot sa general alarm.
Tinatayang nasa 500 kabahayan at establisimiÂyento ang natupok kung saan nasa 2,000 katao ang apektado. Karamihan sa mga ito ay tumuloy sa mga paaralan bilang evacuation area habang ang ilan naman ay natulog sa kahabaan ng J.P. Rizal Extension upang bantayan ang kanilang mga naisalbang gamit.